- Hindi mo ba ko lalayuan?
- Magiging magkaibigan pa ba tayo?
- Hindi ka ba maiilang skin?
- Baka mamaya, mag-iba pagtingin mo sakin.
- Sasagot ka kaya ng “I love you too.”?
Ang hirap talagang mahulog sa isang kaibigan. Nararamdaman mong lalo mo siyang minamahal kapag magkasama kayo. Hindi mo masabi lahat kasi natatakot ka. Bibihira pa naman yung mga taong hndi nawawala pagtapos magtapat yung isa. tapos magugulat ka na lang na, wala na to nang hndi mo man lang nasasabi kung ano talaga ang laman ng puso mo. Swerte mo kung parehas lang kayo ng nararamdaman para sa isa’t-isa.




